Make your own free website on Tripod.com
TANGING YAMAN
 
Koro
Ikaw ang aking tanging yaman
Na di lubusang masumpungan
 Ang nilikha Mong kariktan sulyap ng ‘Yong kagandahan.
 
Ika’y hanap sa t’wina
Nitong pusong Ikaw lamang ang saya
Sa ganda ng umaga nangungulila sa ‘Yo sinta.
(koro)
Ika’y hanap sa t’wina
Sa kapwa ko Kita laging nadarama,
Sa Iyong mga likha
hangad pa ring masdan ang ‘Yong mukha.
 
back to index